Monday, April 14, 2008
food security
Bago pa man mamulat ang aking pag-unawa sa mga bagay-bagay dito sa mundo, ay puro na tubo ang nakatanim sa isla ng Negros... Bagkos ang mga tao sa isla ay nakakaramdam ng gutom sa panahon na nagsasara ang cropping season ng tubo.... Ito'y sa kadahilanan na wala ng ibang trabahong available para sa mga obreros ng Negros... On top of this, halos ang kabu-uhan ng Negros ay natatamnan ng tubo lamang, thus, walang availbale na pagkain mula sa agrikultura ng isla... Dagdag pa rito ang parating-rating ng crisis sa trading ng asukal na kadalasa'y nagbababa ng presyo ng asukal ng mas mababa pa sa cost ng pagprodukto nito... (yan ang mapait at mapaklang kwento ng asukal... akala niyo ba tamis lang ang meron sa asukal... sugar isn't that sweet at all)
Kawawa talaga ang mga obrero sa isla ng Negros noon, at magpasa-hanggang ngayon... Iilan o nakakarami pa rin ang nahihirap at taon-taon ay nagdudusa sa gutom...
Eh ano naman ang paki-alam ng picture ko na may kasamang kambing?
Good question...
Ito ay sarili kong kuha noong ako'y nadayo sa isang sitio sa La Castellana, Occidental... Akalain mo ay nag-aalaga sila ng kambing para hindi sila maging fully dependent sa iisang crop (tubo) lamang... At para kung sakaling sila man ay gutumin ay mayroon silang mauulam...
Ang masama nga lamang ngayon ay meron na nga silang ulam, subalit ang mahal na talaga ng bigas... Masarap pa naman sanang gawing kaldereta ang kambing, at mas sumasarap pa ito kung i-uulam sa mainit na kanin...
Naku mukhang hindi lamang kambing ang kelangang pagkaabalahan ng mga dating obreros na ngayo'y mga magsasaka na... Actually meron naman silang palay... pero kelangan pa nila magtanim ng pang-sahog tulad ng patatas, carrots at marami pang iba...
At is pa pala, meron nga silang tanim na palay... kaso kulang naman ito para sa pang-araw-araw na konsumo nila... gusto ko nga bumili, kaso yung mama na nasa background... si manong mario yan, ayaw akong pagbentahan... kasi nga naman hindi pa siya nakaka-harvest... Manong Mario pabilhin mo ako ng bigas ha...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment